Sunday, July 5, 2009

Ang uri ng pagkain na ating kinakain sa araw-araw ay may malaking nagagawa para sa ating kalusugan. Ito ay nagsisimula mula sa araw na tayo ay ipinanganak hanggang sa ating pagtanda. Ang babaeng bagong panganak ay pinagkalooban ng pamamaraan upang mapakain ang anak ng natural na pagkain- ang gatas ng ina. Kapag umabot na ang sanggol ng anim na buwan, siya ay puwede nang umpisahan sa malalambot na pagkain. Ito ang pinakamahalagang panahon para maumpisahan ang sanggol sa mga mabubuting pagkain. Dapat malaman ng lahat ng magulang na kailangang makakain ang sanggol ng isang uri ng pagkain ng mga labindalawang beses bago nito magustuhan ito.Mahalagang piliin ng magulang ang ipapakain sa sanggol, nguni't ang sanggol ang magdedesisyon kung gaano ang kakainin niya. Ito ay mahalagang panuntunan sa pagpapakain ng sanggol.

Ang ating mga anak ay masasanay kumain ng pagkaing inihahain sa bahay. Kung ang mag-anak ay kumakain ng iba't ibang gulay araw-araw, ganoon din ang mga bata. Kung ang mag-anak ay umiinom lagi ng "soft drink" sa bahay, hindi sila matututong uminom ng sapat na tubig sa araw-araw. Ang "soft drink" ay mayroong dagdag na asukal, asin, at "caffeine" kaya't hindi ito nararapat na maging parte ng pagkain ng mga bata. Dito maaaring magsimula ang mga sakit na sobrang pagtaba, diabetes, mataas na presyon.


No comments:

Post a Comment

Time Zone