Sunday, July 5, 2009

kare-kare ni gill


1 buntot ng baka (mga1 o ½ kilo), hiniwa ng tig-3 pulgada
5 kutsaritang mantika
5 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtamang laki ng sibuyas, hiniwa-hiwa
¼ tasang katas ng achuete
1 puso ng saging na saba, hiniwa ng pahaba
2 tali ng sitaw, hiniwa ng tig-2 pulgada
4 katamtamang laki ng talong, hiniwa ng tig-1/2 pulgada
½ tasang bigas, tinusta at dinikdik ng pino
½ tasang peanut butter, asin ,paminta, betsin

Palambutin ang buntot ng baka. Hanguin mula sa tubig at prituhin ng bahagya sa mantika. Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
Idagdag ang katas ng achuete. Igisa hanggang lumabas ang mantika ng buntot ng baka. Idagdag ang gulay at kaunting tubig upang magkasarsa. Idagdag ang pinulbos na bigas at peanut butter na tinunaw sa 3/4 tasang tubig. Timplahan ng asin,paminta at betsin.ihain ng may kasamang bagoong alamang.

No comments:

Post a Comment

Time Zone